Tuesday, March 10, 2009

“Duyan”

Lagaslas ng tubig sa batis,
Animo’y ala-ala ng pag-ibig na kay tamis.
Aninong nakaupo sa lilim ng puno,
Lingapin mo yaring abang puso.

Hindi ko lubos mawari,
Dahil sayo ako’y labis na nasawi.
Bawat paggising sa bagong umaga,
Luha’y dumadaloy sa’king mga mata.

Kailan kaya kita makakalimutan,
Hibla ng kahapong unti-unting nagdaan.
Sa tuwing iniisip, aking winawaglit,
Ayoko ng maramdaman ang labis na sakit.

Sa akin ngayong paglalakbay,
Pawiin mong aking lumbay.
Palayain mong damdamin,
Na sa’king pagkatao’y umaangkin.

Mula sa pagkahandusay,
Ako’y iyong inakay.
Sarili ko’y natagpuan,
‘di na naguluhan.

Duyan ng pag-asa, nagyo’y abot ko na.
Salamat sa karanasan,
Ako’y iyong tinuruan.
Aking duyan, aking kanlungan.

Shuqigrazie_22@yahoo.com

No comments:

Post a Comment